Sabado, Agosto 6, 2016

Epekto ng jejemon

 Marami ang gumagamit ng jejemon sa panahon ngayon. Usong uso ito kumbaga ay mabenta sa madla pagkat ito na ang kinagiliwan sambitin ng mga beki o bakla. Tinatawag rin itong jejemon o bekimon dahil beki ang kalimitang gumagamit ng salitang ito.
Ano nga ba ang jejemon?
Ang jejemon ay sumikat o mas nakilala sa taong 2010. Matapos na kumalat sa boog ang patungkol sa pagkandidato ni Jejomar Binay kung saan ay binansagan siyang Jejemon Binay. Kung saan ay ating mapapansin na wini wika na rij natin ang salitang "jejeje" na nangangahulugang "hehehe" o kaya naman ay "3ow poewh" na "hello po" at marami pang iba. Naging uso ito sa mga kabataan maging babae man o lalaki. Ang "beki" ay nagmula sa mga bakla at ang "mon" naman ay parte ng kulturang pilipino. Isa itong bersyon na pinasikat ng mga bakla o tinatawag nating gay language. Malaki ang naging epekto nito sa kabataan maging sa lipunan. Dahil kung ating susuriin ay hindi naman lahat ng kabataan noon ay maalam makaintindi ng gay language. Kaya't kung minsan ay hindi agad nila makuha ang sinasabi ng nagsasalita ng gay language. Pinasikat ito ng pangulo ng federasyon na si Bern Josep Persia. Kasama rin niya ang isa pang kasapi na si Junakis sa kanilang videos sa Youtube. Natutuwa tayo sa mga salitang jejemon o bekimon pagkat atin itong ginagamit sa chat o pakikipag text. Ngunit hindi ba natin napupuna na ang paggamit natin ng lengwaheng ito nagkakaroon ito ng epekto? Lalo na sa katulad kong kabataan. Maging sa pakikipag usap natin sa ating mga magulang o sa guro, pagsusulat ng lektyur sa paaralan. Pero sa kabilang banda may kabutihan rin naman naidudulot ang gay language o bekimon. Una, ito ay ang pagiging malikhain ng mga kabataan sa kung ano ang nais nilang iparating sa bayan, pangalawa nadaragdaragan o nadedebelop ang kultura ng ating bansa, pangatlo patuloy na nadaragdagan ang bagong salita at ang huli ay kahit na may jejemon tayong salita ay meron talagang mga tao na hindi kinakalimutan ang sariling wika o Mother Tongue. Pero hindi talaga natin maaalis na meron at meron talagang negatibo o nagdudulot ng hindi kanais nais na epkto sa kabataan. Una, hindi maiwasang mabanggit o masalita ang salitang jejemon lalo na kung nasa pormal na okasyon. Napakapangit naman tignan o pakinggan ito. Hindi na rin ito maiwasang sabihin ng mga kabataan o estudyante lalo na kapag makikipag usap sa guro o sa kamag aral. At higit pa doon ay parang mas pinapahalagahan pa natin ang salitang mon language kaysa sa sariling wika. Hindi man natij maitatangi na bagama't maganda itong pakinggan ay nararapat na bigyan parin natin ng halaga ang sarili nating wika.


Salamat sa inyong pagbabasa. Pag pasensyahan nyo kung may mga salita na hindi maintindihan o typo. Naway may naitulong ako sa inyong research paper sa filipino. Magandang buhay.

10 komento:

  1. Salamat talga para sa research paper din namen to hahaha

    TumugonBurahin
  2. Bakit parang may mali! Hinding- hindi nadedebelop ang kulturang pilipino dahil sa jejemo sapagkat ito'y maraming negatibo at higit sa lahat nang dahil jejemon nawawalan tayo ng pormalidad sa kultura sa pasalita man o pasulat...nang dahil din sa jejemon..unti-unting nasisira ang kagandahang wika ng Pilipino at nagiging mababa na'rin ang kalidad ng wikang Pilipino.

    TumugonBurahin
  3. may medyo tama peo di naman sa ganun na dahil sa jejemon mawawala na ang ating sariling wika hindi namn maari yun sapagkat mahal namn ang ating sariling wika di ba?

    TumugonBurahin
  4. ano pa po ang maaring i paksa sa pananaliksik tungkol sa filipino

    TumugonBurahin
  5. Salamat Ginoo sa napakagandang pagpapaliwanag.

    TumugonBurahin
  6. Amg paggamit ba ng jejemon ay makabuluhan? Kung oo, sa anong paraan?

    TumugonBurahin
  7. Casino.com - New York - MapyRO
    See 사천 출장마사지 569 traveler reviews, 85 당진 출장안마 candid photos, and great deals for Casino.com at Mapyro. Address: 777 Casino Dr, New 군포 출장샵 York, NY 10022 (New York), 속초 출장마사지 United States of America. Rating: 4 · ‎569 창원 출장안마 reviews

    TumugonBurahin